Saturday, April 26, 2014

Pagsulat: Kahulugan





"Ador! Labas!"

Sabi ni Ser Jun makikita raw sa katahimikan ang pagsusulat ngunit taliwas ito sa aking karanansan ilang taon na ang nakalipas. Pinalabas ako ng Technical Writing teacher ko noong hayskul dahil dumadaldal ako habang nagtuturo siya. 'Yun na ata ang pinakaunang beses na napahiya at pinalabas ako sa klase. Akala siguro ng guro ko, isa lang akong maingay na estudyanteng walang ibang alam gawin kundi ang dumaldal at kumain.. Pagkatapos ng insidenteng 'yun, halos ganun na lang parati ang pinaparamdam sa akin ng aking guro.

Ngunit hindi niya ako kilala. 

Sumunod na araw na noon ang mga writing activity namin. Pinatunayan ko sa aking mga sinulat na hind ako ang ganung klase ng tao na iniisio niya. Sa apat na sanaysay na naisulat ko doon, tatlo 100 tas 98 lang 'yung isa. Huhu.


Ngunit kulang pa. 

Sinubukan kong sumali at magsulat din sa aming pahayagan kung saan nakapagtrabaho ako bilang Literary Editor at Photojournalist sa loob ng 3 taon.

Hindi ko malilimutan ang galit at tiwalang binigay sa akin ng guro kong iyon. Binigyan niya ako ng pagkakataong sumali sa Division School Press Conference upang sumali sa Photo Story na hindi ko alam ang gagawin dahil hindi naman ako talaga sumasali sa mga ganun.

Nawala ang guro kong iyon sa aming paaralan noong lumaban ako sa DSPC. Lumipat siya ng ibang paaralan. Nagulat na lang ako ng isang araw nasa Lucban, Quezon kami para sa Regional Schools Press Conference, may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Ador, ang ingay mo pa rin."

Sa huling pagkakataon, pinagalitan pa rin niya ako at sinabing humanga raw siya sa aking ingay.

Yung mga sitwasyon na 'yan ang nakapagbago ng aking perspektibo ukol sa buhay at sa pagsusulat. Na ang kahalagahan ng pagsusulat ay paraan ng pagpapakilala mo sa mga taong hindi ka pa kilala. Hindi pagyayabang ngunit paglablabas ng nararamdaman upang mas maintindihan ka, mas makilala ka, mas makausap ka, mas mahalin ka.

Oo at pupulaan ka sa iyong pagsusulat. Sasabihan ng kung au-ano at hihigitin ng ibang tao. Ang mahalaga'y naisulat mo, naibahagi mo at bahala na itong umikot kasabay ng mundo. 

No comments:

Post a Comment