Saturday, April 26, 2014
Luna
Para sa akin, ang buwan ang isa sa mga pinakamalulungkot na bagay. Yayakapin ngunit iiwanan ng mga ulap, sasayawan ngunit iiwanan ng mga stars. Hays.
Pagsulat: Kahulugan
"Ador! Labas!"
Sabi ni Ser Jun makikita raw sa katahimikan ang pagsusulat ngunit taliwas ito sa aking karanansan ilang taon na ang nakalipas. Pinalabas ako ng Technical Writing teacher ko noong hayskul dahil dumadaldal ako habang nagtuturo siya. 'Yun na ata ang pinakaunang beses na napahiya at pinalabas ako sa klase. Akala siguro ng guro ko, isa lang akong maingay na estudyanteng walang ibang alam gawin kundi ang dumaldal at kumain.. Pagkatapos ng insidenteng 'yun, halos ganun na lang parati ang pinaparamdam sa akin ng aking guro.
Ngunit hindi niya ako kilala.
Sumunod na araw na noon ang mga writing activity namin. Pinatunayan ko sa aking mga sinulat na hind ako ang ganung klase ng tao na iniisio niya. Sa apat na sanaysay na naisulat ko doon, tatlo 100 tas 98 lang 'yung isa. Huhu.
Ngunit kulang pa.
Sinubukan kong sumali at magsulat din sa aming pahayagan kung saan nakapagtrabaho ako bilang Literary Editor at Photojournalist sa loob ng 3 taon.
Hindi ko malilimutan ang galit at tiwalang binigay sa akin ng guro kong iyon. Binigyan niya ako ng pagkakataong sumali sa Division School Press Conference upang sumali sa Photo Story na hindi ko alam ang gagawin dahil hindi naman ako talaga sumasali sa mga ganun.
Nawala ang guro kong iyon sa aming paaralan noong lumaban ako sa DSPC. Lumipat siya ng ibang paaralan. Nagulat na lang ako ng isang araw nasa Lucban, Quezon kami para sa Regional Schools Press Conference, may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
"Ador, ang ingay mo pa rin."
Sa huling pagkakataon, pinagalitan pa rin niya ako at sinabing humanga raw siya sa aking ingay.
Yung mga sitwasyon na 'yan ang nakapagbago ng aking perspektibo ukol sa buhay at sa pagsusulat. Na ang kahalagahan ng pagsusulat ay paraan ng pagpapakilala mo sa mga taong hindi ka pa kilala. Hindi pagyayabang ngunit paglablabas ng nararamdaman upang mas maintindihan ka, mas makilala ka, mas makausap ka, mas mahalin ka.
Oo at pupulaan ka sa iyong pagsusulat. Sasabihan ng kung au-ano at hihigitin ng ibang tao. Ang mahalaga'y naisulat mo, naibahagi mo at bahala na itong umikot kasabay ng mundo.
Friday, April 25, 2014
Magtatrabaho o Magpapakatao?
Magtatrabaho o Magpapakatao?
Hindi ko alam kung bakit dalwang beses akong nakatulog
habang pinapanood koi to. Hindi dala ng antok, dala lang siguro ng sakit sa
puso. Ngayon na lang ulit ako nalungkot sa pelikula at natuwa ang puso ko.
Hindi nalalayo sa interes ko ang isang bahagi ng pelikula. Photojournalism. Hindi ko alam ang tagalog niyan. Patuloy ko pa ring pinag-aaralan. Naalala ko nung 16th Inkblots sa UST naging speaker namin na si Aron Favila, Photographer ng Associated Press Manila at nagkaron kami ng pagkakataon na makapag-tanong sa kanya. Kapag may kailangan daw ba ng tulong, anong uunahin? Pagkuha ng litrato o pagtulong? Ngunit hindi ko na inalala ang sinagot niya. Sa mga puntong iyon nakulong sa isip ko 'yung tanong. Paano nga kapag ako na ‘yung nandun. Kapag kaharap ko na sila. Kapag umaasa sila sa akin? Iaabot ko ba ang kamay ko? O ihahanda ang camera ko?
Hindi nalalayo sa interes ko ang isang bahagi ng pelikula. Photojournalism. Hindi ko alam ang tagalog niyan. Patuloy ko pa ring pinag-aaralan. Naalala ko nung 16th Inkblots sa UST naging speaker namin na si Aron Favila, Photographer ng Associated Press Manila at nagkaron kami ng pagkakataon na makapag-tanong sa kanya. Kapag may kailangan daw ba ng tulong, anong uunahin? Pagkuha ng litrato o pagtulong? Ngunit hindi ko na inalala ang sinagot niya. Sa mga puntong iyon nakulong sa isip ko 'yung tanong. Paano nga kapag ako na ‘yung nandun. Kapag kaharap ko na sila. Kapag umaasa sila sa akin? Iaabot ko ba ang kamay ko? O ihahanda ang camera ko?
Ang hirap sigurong pigilin 'yung nararamdaman mo kapag ikaw na 'yung nasa sitwasyon. Sa nararanasan ko ngayon, dapat sa litrato mo inilalabas ang emosyon, hindi sa likod ng lente. At doon minsan mas tumitindi ang lahat.
Habang nilalakbay ko ang mundo at hinahanap namin ng camera ko kung
ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan nito. At nakapunta nga kami sa Kobe Shimbun no Nanokakan. Ang madilim
na kulay ng pelikula na nagpadilim pa sa storya, sa mga kinahinatnan ng mga
saksi at biktima. Ang bawat paglipat ng eksena ay pagdagdag ng puntos sa 'sobrang-lungkot-naman-nito tally.' Iiwanan ka talaga ng isang tanong ng pelikulang ito.
Bakit ka nga ba kumukuha ng litrato?
Para ipakita ang totoo?
Para may matuwa o maawa?
Para makilala ka ng ibang tao?
Para makilala mo ang sarili mo?
O kaya kinukuhanan mo ng litrato ang isang bagay kasi alam mong doon lang titigil ang oras, ang pagkakataon. Sa litrato mo na lang pwedeng balikan ang lahat.
Siguro kung ako na 'yung nasa sitwasyon, kukuha at kukuha pa rin ako ng litrato. Pipilitin ko pa ring makuhanan ng magandang anggulo ang kanilang lungkot, galit at hinanakit dahil alam kong hindi na mangyayaring muli sa kanila iyon. (insert smiley here)
Subscribe to:
Posts (Atom)